Tuloy tuloy pa rin ang tagumpay ng Star Power winner na si Angeline Quinto dahil habang bumebenta pa rin ang kanyang debut album ay may follow up agad na second album entitled FALL IN LOVE AGAIN.
Sa press launch ng kanyang album ay na share ni Angeline na super happy siya na nabigyan siya ng Star Records ng follow up album. Dito ay natupad niya ang isa sa kanyang biggest dreams, ang maka duet ang kanyang idol na si Regine Velasquez para sa song na Lipad ng Pangarap.
Isa pa sa mga pangarap ng in demand recording star ay magkaroon ng kanta written by Maestro himself, Mr. Ryan Cayabyab. According to Jonathan Manalo of Star Records ay hindi naman ito malayong mangyari dahil baka sa susunod na album ni Angeline ay mag feature na ng mga songs na isusulat ng ilang batikang songwriters. Let's all pray na magkatotoo ang dream ni Angeline na maka work si Mr. C.
Ang title track ng album na Fall In Love Again ang siyang magiging theme song ng upcoming launching movie ni Angeline kung saan ang kanyang leading man ay ang multi-awarded young actor at crush ng buong bayan na si Coco Martin. Ngayon pa lang ay marami nang nagaabang sa Angeline-Coco movie na ang sabi ay malapit na rin nating mapanood.




ganda ni ate ANgie! -JJ
ReplyDelete