Fresh from her win as Most Popular Female Child Performer sa nakaraang Guillermo Mendoza Awards ay isa na namang nakakaaliw na role ang gagampanan ni Xyriel Manabat.
As the featured star sa Wansapanataym, gaganap si Xyriel bilang si Grace, isang batang naiinggit sa kaibigan niyang mayaman. Gusto rin ni Grace na magkaroon ng marami at magagandang laruan tulad ng meron ang kaibigan niya. Isang araw humiling siya ng isang doll house sa kanyang nanay at tatay, pero hindi siya napagbigyan. Pakiramdam tuloy ni Grace ay hindi siya mahal ng mga magulang.
Nagdasal si Grace na sana ay magkaroon siya ng doll house at makatira siya sa isang magandang bahay tulad ng bahay ng kanyang kaibigan. Nagkatotoo ang kanyang wish, pero laking gulat niya nang makita ang sarili niyang lumiit at nakatira sa loob ng isang dollhouse!
Dito sa doll house makukuha ni Grace lahat ng materyal na bagay na matagal na niyang pinapangarap. Pero di magtatagal ay magsisimula niyang ma-miss ang pag-aalaga ng kaniyang nanay at tatay. Makakabalik pa kaya si Grace sa kanyang pamilya?
Also starring in this episode ay sina Ina Feleo at Bobby Andrews bilang mga magulang ni Grace. Joseph Marco, Yen Santos, Ruben Gonzaga, at Melai Cantiveros bilang mga makakasama ni Grace sa loob ng doll house.
This Saturday na 'yan sa Wansapanataym, 7 PM.


No comments:
Post a Comment