Malapit na ngang matapos ang launching movie ng singing sensation na si Angeline Quinto entitled Born To Love You. Dito ay magiging leading man niya ang nachichismis na sa kanya, ang multi-awarded actor na si Coco Martin.
At kayo ang unang makakasilip sa mga ganap sa set ng movie. Kitang kita naman na kumportable na sa isa't isa sina Coco at Angeline. No wonder na marami ang naghihinalang may namamagitan nga sa kanila. Basta ako, excited nang mapanood ang Born To Love You na malapit nang ipalabas sa mga sinehan!
Wala akong masabi sa bangs ni Papa Coco. Kahit anong hairstyle, gwapo pa rin!
Iba rin naman ang kagandahan ni Angeline. Kahit anong anggulo ay mukha talagang fresh. Parang iba nga ang pungay ng mga mata niya dito. Siguro inspired sa set. Ha ha ha!




















